March 09, 2025

Home BALITA National

18 pagyanig, naitala sa Kanlaon – Phivolcs

18 pagyanig, naitala sa Kanlaon – Phivolcs
Bulkang Kanlaon (Courtesy: Phivolcs/FB)

Naitala ang 18 volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon nitong sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo, Marso 9.

Ayon sa Phivolcs, nananatiling mataas ang aktibidad ng Kanlaon na nakataas pa rin sa Alert Level 3 (magmatic unrest).

Nito lamang Sabado, Marso 8, ay naglabas din ang bulkan ng 2,407 tonelada ng sulfur dioxide.

Naitala sa namamagang bunganga ng Bulkang Kanlaon ang 150 metrong taas na plume (o walang patid na pagsingaw) na napadpad pakanluran.

National

FPRRD, iginiit na ipinatupad drug war para sa mga Pinoy: ‘Sino ba namang gustong pumatay?’

Wala rin daw patid ang pagsingaw ng bulkan.

Dahil dito, nagbabala ang Phivolcs sa publiko na maaaring maganap sa Kanlaon ang biglaang pagsabog, pagbuga ng lava, pag-ulan ng abo, Pyroclastic Density Current (PDC), rockfall, at pagdaloy ng lahar kung may matinding pag-ulan.

Kaya naman, ipinayo ng ahensya ang paglikas ng mga nakapaloob sa anim na kilometrong (6 km) radius mula sa tuktok ng bulkan.

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa tuktok ng Kanlaon.

Matatandaang noong Disyembre 9 nang itaas ng Phivolcs sa alert level 3 ang bulkan kasunod ng naging pagputok nito.

MAKI-BALITA: Bulkang Kanlaon, itinaas na sa Alert Level 3!