Bukod kay Vice Ganda, isa rin sa mga nakatanggap ng pagkilala bilang "Top Tax Payer" si Kapuso Primetime King-game show host Dingdong Dantes, mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
KAUGNAY NA BALITA: Pagbabayad ng tax at pagtatanong kung saan napunta ito, obligasyon!—Vice Ganda
KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, kinilalang Top TaxPayer ng BIR
Nagpaalala naman siya sa mga mamamayan na mababasa sa kaniyang Instagram post kamakailan.
"Malapit na ang April 15—filing of taxes! Bilang mamamayan, siguraduhin nating maayos at tama ang pagbabayad ng buwis, dahil dito nanggagaling ang pondo para sa mga serbisyong pampubliko," aniya.
Pero hindi raw dito natatapos ang lahat dahil kailangan daw matyagang mabuti kung saan napupunta ang mga ibinabayad na buwis.
"Pero teka, hindi lang tayo pangbayad—pangbantay din!"
"Bilang taxpayers, tungkulin din natin na maging mapagmatyag at siguraduhing ang ating buwis ay nagagamit nang tama ng mga taong iniluklok natin sa pwesto at may pananagutan dito.," aniya pa.