March 09, 2025

Home BALITA Eleksyon

Kampanya ng kandidato, dapat gastusan ng Comelec –Ka Leody De Guzman

Kampanya ng kandidato, dapat gastusan ng Comelec –Ka Leody De Guzman
Photo Courtesy: Screenshot from News5, Comelec (FB)

Iminungkahi ni senatorial aspirant at labor leader Ka Leody De Guzman na dapat ipapasan sa Commmission on Elections (Comelec) ang pangangampanya ng bawat kandidato sa halalan.

Sa isang episode ng “Aplikante” kamakailan, sinabi ni De Guzman na isa umano itong paraan upang maging patas ang pagpapakilala sa bawat kandidato.

Ani De Guzman, “Dahil ang gobyerno naman natin ang naghahanap ng matinong leader ng ating bansa para sa kagalingan ng ating mga mamamayan, Comelec ang gumastos sa pagpapakilala sa ating mga kandidato para ‘yong katulad ko, at mga leader ng sektor na tumatakbo ngayon, maging fair ang labanan.”

Dagdag pa niya, bagama’t magiging bagahe sa Comelec ang nasabing mungkahi, kailangan itong gawin upang matiyak na makakakuha ang bansa ng mga tamang mamumuno.

Eleksyon

Ogie Diaz, pinasaringan kandidatong bet tumulong pero walang plano: 'Dapat foundation itinayo!'

Matatandaang kumandidato na si De Guzman noong 2019 midterm sa pagkasenador ngunit bigo siyang makakuha ng pwesto. 

Samantala, sinubukan naman niyang tumakbo bilang presidente noong 2022 presidential elections pero hindi rin siya nanalo. 

Ayon kay De Guzman, nahirapan siyang manalo sa dalawang posisyong tinakbuhan niya dahil hawak umano ng mga sikat, dinastiya, at bilyonaryo ang politika sa Pilipinas.