March 10, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jellie Aw ipinakita ang pagmamakaawa, pakikipagbalikan ni Jam Ignacio

Jellie Aw ipinakita ang pagmamakaawa, pakikipagbalikan ni Jam Ignacio
Photo courtesy: Jam Ignacio, Jellie Aw (FB/IG)

Ibinalandra ng DJ-social media personality na si Jellie Aw ang screenshot ng direct message sa kaniya ng ex-fiancé na Jam Ignacio na tila nagmamakaawang makipag-usapan siya sa kaniya at bigyan siya ng pangalawang pagkakataon sa kanilang relasyon.

Matatandaang inireklamo ng pananakit ni Jellie ang kaniyang mapapangasawang si Jam noong Pebrero.

Nag-sorry na si Jam sa kaniya subalit desidido si Jellie na hindi na ituloy ang kasal nila, at ipagpatuloy umano ang pagsasampa ng reklamo laban sa ex-jowa.

Mababasa sa screenshot na sinasabi ni Jam na hindi niya kayang lokohin si Jellie.

Tsika at Intriga

Barbie, ibinida pics nila ni FL Liza: 'Thank you Madam for inviting me!'

"Nag mamakaawa ako sayo. Pinipilit ko na maging maayos tayo. Maging maayos tong relasyon natin," mababasa sa mensahe ni Jam kay Jellie.

Mababasa pa sa screenshot na tila may pangarap pa si Jam para kay Jellie maging sa pamilya niyang itinuring na ring pamilya ni Jam.

Makikita rin na tila hindi na nag-reply pa si Jellie sa kaniya.

Ibinahagi ito ni Jellie sa kaniyang Instagram story at kinomentuhan, "ano gagawin ko @jamignacio."

Photo courtesy: Jellie Aw (IG) via Fashion Pulis

Marami naman sa mga netizen ang nagsabing huwag na niyang balikan pa si Jam.

"Baka naman kakaganyan sa kanya eh rumupok at bumigay sya ulit.. ewan ko nalang talaga sayo girl pag ganun ang nangyari"

"Naku te wag maging marupok ha. Maraming lalaking mamahalin ka at di nambubugbug. Use your brain pleeeease!"

"Maghihintay ba kami ng rematch? Hay jellie, sana matauhan kana at ginawang kurtina ng jowa mo ang red flag."

"Cut communication na girl. Bakit mo pa binabasa mga msgs. Block and stop na. Kng tuloy mo kaso go lng. Pero please, be strangers again na. Learn your napaka sakit kailangan ng ilang stitches na lesson."

"Anong gagawin mo???? Block him! Don't even entertain him after what he did to you?"