Inamin ni Kapamilya sexy actress Ivana Alawi na mapili at maarte raw siya pagdating sa pagpili ng mga politiko.
Sa ulat ng GMA Entertainment noong Biyernes, Marso 7, sinabi ni Ivana na marami raw lumalapit na politiko sa kaniya para magpa-endorso.
Ayon sa kaniya, "Napakaarte ko at napaka-choosy ko pagdating sa politiko. Hindi naman 'yan para sa akin o ikakaganda ko o para sa pamilya ko. Ito ay para sa Pilipinas, para sa mga kababayan natin.”
“Kasi, kung pera, e 'di sana lahat kinuha ko, e, 'di ang yaman-yaman ko na. Hindi, e, hindi siya sa pera. It's what do you believe in and who do you think will make the country a better place,” wika ni Ivana.
Dagdag pa ng aktres, bagama’t wala raw siyang alam sa politika, alam naman daw niya kung paano pumili ng iboboto.
Aniya, “Siyempre, pinag-aaralan ko rin kung anong mga batas ang natutupad, very important ‘yon.”
Matatandaang sa kasagsagan ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kilalang personalidad noong Oktubre 2024 ay nanawagan si Ivana sa publiko na bumoto nang matalino.
MAKI-BALITA: 'Please vote wisely!' Ivana, walang alam sa politics kaya hindi tumakbo