February 25, 2026

Home BALITA Eleksyon

Bondoc sa punang marami nang entertainer sa Senado: 'Marami na po akong naaral'

Bondoc sa punang marami nang entertainer sa Senado: 'Marami na po akong naaral'
Photo Courtesy: Screenshot from News5 (FB)

Bumwelta si senatorial aspirant at singer-songwriter Atty. Jimmy Bondoc hinggil sa kritistimo ng ilan na marami na raw entertainer sa Senado.

Sa isang episode ng programang “Aplikante” kamakailan, sinabi ni Bondoc na wala naman daw nagbabawal sa isang entertainer na mag-elevate.

“Sana lang maalala nila na ang isang entertainer po e wala namang pagbabawal na mag-elevate. At ako po ay nag-aral at nagsilbi po sa PAGCOR [Philippine Amusement and Gaming Corporation] for six years,” saad ni Bondoc.

Dagdag pa niya, “So from the administrative at to the political and to the legal, marami na rin po akong napag-aralan.”

Matatandaang inihayag ni Bondoc na wawakasan niya raw ang namamayaning korupsiyon sa bansa nang maghain siya ng certificate of candidacy (COC) noong Oktubre 2024.

Eleksyon

'Sobrang bugbog na sila!' Giit ni Sen. Imee, presidential bid ni VP Sara, para sa mga DDS?

Tumatakbo siya sa ilalim ng Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan o PDP-Laban.

MAKI-BALITA: Jimmy Bondoc, isang kaibigan, loyal kay ex-Pres. Duterte