March 19, 2025

Home BALITA Probinsya

3-anyos na babae, natagpuang patay sa pugon; suspek, kapatid ng biktima

3-anyos na babae, natagpuang patay sa pugon; suspek, kapatid ng biktima
Photo courtesy: Freepik and contributed photo/Facebook

Isang 3 taong gulang na batang babae ang natagpuang patay sa loob ng isang pugon at hinihinalang ginahasa, sa Sitio Narra, Barangay Nuing, Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Ayon sa mga ulat ng local news media, mismong ang 16 taong gulang na lalaking kapatid ng biktima ang suspek sa nangyaring krimen. Lumalabas din umano sa imbestigasyon na lasing ang suspek at posible ring lulong sa ipinagbabawal na gamot. 

May isang menor de edad din umano ang nakakita na dinala ng suspek ang biktima sa pugon at saka ito nakarinig ng sigaw mula sa batang babae. 

Walang saplot pang ibaba, duguan at may sugat din umano sa leeg ang biktima nang makita ang kaniyang katawan sa nasabing pugon.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

Sinubukan pa raw tumakas ng suspek ngunit nasakote siya ng ilang barangay tanod sa lugar at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad. Posible umano siyang maharap sa kasong homicide at rape kung sakaling mapatunayan sa medico legal, kapag tumuntong na siya sa legal na edad.