March 09, 2025

Home BALITA National

VP Sara, binigyang-pugay nasawing 2 piloto ng PAF: ‘Bayani sila ng ating bayan’

VP Sara, binigyang-pugay nasawing 2 piloto ng PAF: ‘Bayani sila ng ating bayan’
(file photo)

Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte na nararapat na magsilbing inspirasyon sa lahat, lalo na sa kabataan, ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) na nasawi sa FA-50 fighter jet plane crash.

Sa kaniyang mensahe nitong Huwebes, Marso 6, tinawag ni Duterte ang dalawang pilotong sina Major Jude Salang-oy at 1Lt April John Dadulla na mga “bayani ng ating bayan.”

“Ang kanilang paglilingkod sa mga Pilipino ay nararapat na magsilbing inspirasyon sa ating lahat, lalo na sa kabataan,” anang bise.

Nagpahayag din ng pakikiramay si Duterte sa nga pamilya at PAF na naiwan ng dalawang piloto. 

National

18 pagyanig, naitala sa Kanlaon – Phivolcs

“Nawa’y bigyan ng lakas ang kanilang mga naulila upang makabangon muli sa gitna ng kanilang pagdadalamhati, at magkaroon ng kapanatagan sa kabila ng sakit na kanilang pinapasan,” saad ni Duterte.

“Saludo kami sa inyo Major Salang-oy at First Lieutenant Dadulla,” dagdag niya.

Matatandaang noong Martes, Marso 4, nang kumpirmahin ng PAF na nawawala ang isa nitong FA-50 fighter jet habang isinasagawa nito ang tactical nights operation.

BASAHIN: Fighter jet ng Philippine Air Force, nawawala!

Noon namang Miyerkules, Marso 5, nang mahanap ang naturang fighter jet sa Mt. Kalatungan, Bukidnon, at dito kinumpirma ng PAF na nasawi ang dalawang pilotong sakay nito.

KAUGNAY NA BALITA: Pilotong nasawi sa bumagsak na FA-50 fighter jet ng PAF, ikakasal sana ngayong Marso