Ibinahagi ni BB Gandanghari ang maling pagtatrato raw ni Senador Robin Padilla noon sa kaniya.
Sa latest vlog ni BB noong Huwebes, Marso 6, sinabi niyang inakala raw dati ng utol niya na gay siya.
“I remember mayro’n pa kaming usapan ni Robin. Kasi parang feeling ko, he’s treating me as gay,” saad ni BB.
Dagdag pa niya, “Sabi ko, ‘Tol, puwede ka bang makausap?’ Sabi niya, ‘Ano ‘yon?’ Sabi ko, ‘Kasi may problema, parang you’re treating me as gay. I’m not gay. I’m transgender.’”
Tila hindi raw naiproseso agad ni Robin ang tungkol dito pagkatapos niyang itama ang kaniyang identity.
“Sabi niya, ‘Tol, puwede ba? Nando’n pa lang ako sa gay. Ano na naman ‘yang transgender na ‘yan?’” lahad ni BB.
Kaya naman nalungkot daw siya sa naging reaksiyong ito ni Robin.
Pero sa isang panayam ni BB noong Enero ay ikinuwento niyang mas tanggap na raw ng utol niya ang kaniyang pagkatao. In fact, parang kapatid na babae na raw ang turing nito sa kaniya.
MAKI-BALITA: Sen. Robin Padilla, kapatid na babae na ang trato kay BB Gandanghari