Inaasahang makararanas ng “dangerous” heat index ang Dagupan City, Pangasinan bukas ng Saabdo, Marso 8, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Base sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Biyernes, Marso 7, posibleng umabot sa 42°C ang heat index sa Dagupan City.
Ang heat index, anang PAGASA, ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.
Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”
“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.
BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?