Nakakaloka ang kakaibang car test na ginawa ng celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero.
Sa isang Instagram post ni Troy noong Huwebes, Marso 6, makikitang sinusuri nila ang kotse kung maganda bang pwestuhan sa pagtatalik.
“When buying a new car, there are a lot of things to consider like fuel efficiency, does it fit your budget and even the color but don’t forget this too… ” saad ni Troy sa caption.
Umani tuloy ang post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Ang kalaaaaaat”
"Hahahaha ako na po magwawalis"
"oh my goodness you two"
"The best car test"
"Things to consider pag nasa checklist lahat, mapapasabi ka ng 'okay na to' "
"Dirty mind"
"ganito na pala dapat pumili ng sasakyan "
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 3k likes at 253k views ang video nina Troy at Aubrey.