March 06, 2025

Home BALITA Probinsya

Suspek sa lumason ng 5 aso sa La Union, humingi na ng tawad

Suspek sa lumason ng 5 aso sa La Union, humingi na ng tawad
(Courtesy: Kate Bulacan/FB screengrab)

Kinumpirma ng fur parent na si Kate Bulacan na humingi na umano ng tawad ang suspek sa paglason ng kaniyang limang alagang aso sa Agoo, La Union noong Sabado, Marso 1, 2025. 

Sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo kay Bulacan kamakailan, sinabi niyang agad umanong humingi ng tawad sa kaniya ang suspek na napag-alamang pamangkin ng kaniyang asawa. 

"Actually that same day, kinagabihan pumunta na po siya sa amin. Humingi na po siya ng tawad," ani Bulacan.

Matatandaang gumawa ng ingay sa social media ang video ng pagkamatay ng kaniyang limang alagang aso na hininalang nilason dahil umano sa alegasyon na kinakain ng kaniyang mga alaga ang mga manok na panabong sa kalapit nilang bahay. 

Probinsya

Dalagitang 4 na taong nawala, natagpuang kalansay na sa isang boarding house

KAUGNAY NA BALITA: 5 aso, patay nang lasunin umano ng kapitbahay; fur parent, nananawagan ng hustisya

Samantala, patuloy naman umano ang pakikipag-ugnayan ni Bulacan at ng suspek sa kanilang kapitan hinggil sa reklamong maaaring ipataw sa pagkamatay ng nasabing mga aso.