Sinagot ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang tanong kung sino ang dapat managot sa pagguho ng Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela kamakailan.
BASAHIN: 6 sugatan sa gumuhong bagong gawang tulay sa Isabela
Nitong Huwebes, Marso 6, pinuntahan ni Marcos ang gumuhong tulay kasama si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.
Nauna niyang ibinahagi sa mga mamamahayag na ang puno't dulo ng pagguho ng tulay ay "design flaw."
BASAHIN: Puno't dulo ng gumuhong tulay sa Isabela, 'design flaw' sey ni PBBM
Tinanong ng mamamahayag si Marcos kung sino ang mananagot sa insidente.
"I always have a saying: Fix the problem not the blame. Ayusin muna natin yung problema. Believe me, we will find out who is responsible. Who is responsible is basically who made the design ‘cause their design was poor. Look what happened. And then also, those trucks should never have been on the bridge," saad ng pangulo.
Ang Cabagan-Santa Maria Bridge ay sinimulan ng DPWH noong Nobyembre 2014 at natapos nito lamang Pebrero 2025, kung saan ang kabuuang halaga ng proyekto mula sa tulay at approaches ito ay may pondong P1,225,537,087.92.