March 06, 2025

Home BALITA National

DepEd, sinabing puwedeng ma-adjust iskedyul ng mga klase dahil sa init

DepEd, sinabing puwedeng ma-adjust iskedyul ng mga klase dahil sa init
Photo courtesy: via MB/Pixabay

Inihanda na raw ng Department of Education (DepEd) ang solusyon nito upang maiwasan na ang halos sunod-sunod na suspensyon ng mga klase dahil sa nararanasang heat index o sobrang init ng panahon dulot ng pagpasok ng dry season.

Ayon sa ipinadalang mensahe sa GMA Integrated News, ipinahayag umano ni DepEd Sonny Angara na ilang paaralan na ang nagsimulang gawing 6:00 hanggang 10:00 ng umaga ang mga klase sa morning shift habang 2:00 hanggang 6:00 naman ng gabi ang mga afternoon shift.

Sa pagitan naman ng 10:00 hanggang 2:00 ng hapon, ito ay magiging asynchronous learning.

Maaari ding magpatupad ng asynchronous learning ang mga paaralan kapag umabot sa 42°C ang heat index, batay na rin sa mga anunsyo ng local government unit.

National

Puno't dulo ng gumuhong tulay sa Isabela, 'design flaw' sey ni PBBM