March 06, 2025

Home BALITA Probinsya

Dalagitang 4 na taong nawala, natagpuang kalansay na sa isang boarding house

Dalagitang 4 na taong nawala, natagpuang kalansay na sa isang boarding house
Photo courtesy: Freepik

Kinumpirma ng mga awtoridad na ang pagkakakilanlan ng kalansay na nahukay sa septic tank ng isang boarding house ay mula sa 17 taong gulang na dalagitang naiulat na nawawala noong Marso 4, 2020. 

Ayon sa ulat ng Brigada News PH noong Miyerkules, Marso 5, 2025, kamakailan lang nang makumpirma ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga buto ng biktima na si Quinnie Grace Arong, matapos itong mahukay noong 2024. 

Nauna umanong marekober ang mga buto ng dalagita na nasa loob ng isang sako at hinihinalang itinapon sa poso negro ng naturang boarding house noong Hulyo 14, 2024. Kasama sa mga nakuha ay ang ilan sa mga personal na gamit ng biktima katulad ng relo, damit, sapatos at ang paborito umano nitong libro. Nakuha rin ang isang taling umano'y posibleng ginamit laban sa biktima.

Patuloy umano ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad upang mapagtibay ang kaso ng biktima, laban sa isang photographer na itinuturong suspek. 

Probinsya

Suspek sa lumason ng 5 aso sa La Union, humingi na ng tawad