Nagkasundo ang Department of Agriculture (DA) at stakeholders na gawing ₱350 kada kilo ang maximum suggested retail price (MSRP) sa Metro Manila para sa pork shoulder o kasim at pigue, habang ₱380 kada kilo naman sa liempo simula sa Lunes, Marso 10.
Sa isang press conference nitong Huwebes, Marso 6, sinabi ni DA Assistant Secretary at spokesman Arnel de Mesa na nagkasundo ang ahensya at stakeholders sa nasabing presyo ng baboy pagkatapos ng naging konsultasyon nila kaninang 3:00 ng hapon.
Pinasinayaan daw ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang naturang pagpupulong.
Bukod sa presyo para sa pigue at liempo, dagdag ni De Mesa, magkakaroon din ng maximum SRP ang sabit ulo na magkakahalaga ng ₱300 kada kilo.
“Simula po ito sa Lunes at magkakaroon po ng periodic review at sisimulan po ‘yan after a month na mag-establish po ang MSRP sa Lunes,” saad ni De Mesa.