Posibleng maranasan sa San Jose, Occidental Mindoro ang "danger" level heat index sa Huwebes, Marso 6 hanggang Biyernes, Marso 7.
Base sa heat index forecast ng PAGASA ngayong Miyerkules ng hapon, Marso 5, naranasan ngayong araw ng mga taga-San Jose ang 42°C heat index. Magpapatuloy ito hanggang Biyernes.
Sa datos ng PAGASA, ang 42°C hanggang 51°C heat index ay nakapailalim sa "danger" level.
