March 06, 2025

Home BALITA Eleksyon

Pag-endorso ni Maja Salvador sa isang party-list, inulan ng reaksiyon

Pag-endorso ni Maja Salvador sa isang party-list, inulan ng reaksiyon
Photo Courtesy: Maja Salvador (FB)

Inendorso na ng aktres na si Maja Salvador ang party-list na iboboto niya sa darating na 2025 National and Local Elections (NLE).

Sa latest Facebook post ni Maja noong Sabado, Marso 4, ibinahagi niya ang kaniyang larawan habang suot ang puting t-shirt kung saan nakatatak ang Solid North Party-list.

“Maja Salvador po, LEGIT NGA TAGA-NORTE, isu nga ti suportarak 104 SOLID NORTH! para iti TURISMO, TRABAHO, ken PROGRESO [Maja Salvador po, LEGIT NA TAGA-NORTE, so I support 104 SOLID NORTH! para sa TURISMO, TRABAHO, at PROGRESO],” saad niya sa caption ng post.

Dagdag pa niya, “Agkakadwa tayo a mangipangabak ti Solid North! [Sama-sama tayong mananalo sa Solid North!].”

Eleksyon

Nora Aunor, umatras sa kandidatura sa Kongreso; susuportahan ibang 'party-list'

Ibinahagi naman ng mga netizen ang kani-kanilang reaksiyon sa nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Why is everyone hating...? She's lovely Naman ah.. she's literally showing kung saan siya n"

"Wag iboto ang PARTYLIST NATO "

"May mga local representatives na sa kongreso, may party list pa na nagpropromote ng regionalist mindset? Paano po mapag-iisa ang kulturang Pinoy kung lahat po ng paghahati-hati ng paniniwala naiisip nyo?"

"Ano ba kayo, si Ivy Aguas yan. Nagpapanggap lang siyang kakampi ng mga Ardiente para makapaghiganti."

"Gold is out, black is in ang atake?"

"si ateh hindi isinabuhay si ivy aguas "

"wala na ba pambayad kuryente sis"

"ibang iba kana ivy kumampi kana rin sa masama"

Ang unang tatlong nominado sa nasabing party-list na inendorso ni Maja ay binubuo nina Menchie Beronilla Bernos, Lucia Esperanza Valero, at Guillermo Ablan, Jr.