March 06, 2025

Home BALITA Eleksyon

Nora Aunor, umatras sa kandidatura sa Kongreso; susuportahan ibang 'party-list'

Nora Aunor, umatras sa kandidatura sa Kongreso; susuportahan ibang 'party-list'
Photo courtesy: Balita and Manila Bulletin file photo

Tuluyan nang iniatras ng National Artist for Film and Broadcast Arts  na si Nora Aunor ang kaniyang kandidatura bilang ikalawang nominee ng People’s Champ Guardians party-list.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Miyerkules, Marso 5, 2025, nakatakda na lamang umanong suportahan ng batikang aktres ang Kabayan Party-list para sa darating ng midterm elections sa Mayo 12.

“Imbes na maghanap pa ng posisyon, mas pinili kong suportahan ang subok na sa tunay na serbisyo sa bayan, at ito ay ang Kabayan Party-list,” anang aktres. 

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo sa naging desisyon ni Nora.

Eleksyon

Pag-endorso ni Maja Salvador sa isang party-list, inulan ng reaksiyon

“We are honored to receive the support of Ms. Nora Aunor, a beloved icon whose life has inspired countless Filipinos,” ani Salo.

Dagdag pa niya, “Just as she has dedicated her life to her craft and to the Filipino people, we remain committed in pushing for meaningful legislation that secures their welfare and future.”

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang People’s Champ Guardians party-list hinggil sa pagkalas ng aktres mula sa kanilang partido.