Proud na ibinida ng “Dyosa ng Showbiz” na si Anne Curtis ang naibibigay ng programa nilang “It’s Showtime” sa madlang people.
Sa X post ni Anne noong Martes, Marso 4, ni-reshare niya ang video clip ng “It’s Showtime” kung saan tinalakay ni Unkabogable Star Vice Ganda ang na-realize nito sa kakulangan ng edukasyon sa Pilipinas.
"May educational problem, may educational crisis sa Pilipinas na dapat nating i-address," saad ni Vice Ganda.
MAKI-BALITA: Vice Ganda na-realize, may systemic educational problem sa Pilipinas!
Ito ay matapos sumalang ang isang contestant ng “It’s Showtime Sexy Babe” na hindi umano alam ang kalikasan ng Commission on Elections (Comelec).
MAKI-BALITA: 20-anyos na 'It's Showtime Sexy Babe' contestant, ‘di alam ang Comelec; usap-usapan
Kaya sabi ni Anne, “Why I love our showtime. Yes, playtime, tawanan, fun contests but also a platform well used to educate, inform and ignite conversations about issues that should be spoken about.”