April 02, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Coco gustong tulungan si Katherine sa trabaho, pagpapaopera ng mata

Coco gustong tulungan si Katherine sa trabaho, pagpapaopera ng mata
Photo courtesy: Screenshot from Julius Babao (YT)/MB

Handa raw si "FPJ's Batang Quiapo" lead star at direktor na si Coco Martin na tulungan at bigyan ng trabaho ang dating co-star at karelasyong si Katherine Luna, kahit na nagkaroon ng isyu sa pagkakaroon daw nila ng anak.

Matatandaang kamakailan lamang, sa panayam kay Katherine sa vlog ng batikang journalist na si Julius Babao, inamin ng dating sexy star na nahihiya siya kay Coco dahil matapos niyang sabihing may anak sila, ang totoo pala, hindi si Coco ang ama ng kaniyang 20-anyos na anak matapos lumabas ang resulta ng DNA testing.

Nakausap daw ni Ogie Diaz si Coco patungkol kay Katherine, at sinabi raw ng action-drama king na napanood niya ang panayam ni Julius kay Katherine at naawa siya rito.

Nagpahayag naman ng pagkagusto si Coco na tulungan si Katherine sa pagbibigay ng trabaho at pagpapagamot sa kaliwang mata nito na nagkaroon ng depekto. Gusto raw niyang ipaopera ang mga mata ni Katherine upang makapagtrabaho ulit siya. Mukhang balak ding isama at kunin ni Coco si Katherine sa Batang Quiapo, upang mas maayos daw ang buhay niya alang-alang sa mga anak.

Tsika at Intriga

Bagong PBB celeb housemate, inakusahang 'walang ambag sa groupworks noong college'

Pero sana raw, ipangako ni Katherine na aayusin niya na ang buhay niya at hindi na babalik pa sa dating bisyo.

Sinabi rin ni Coco na napatawad na niya si Katherine sa ginawa raw nito sa kaniya. Alam daw kasi ni Coco ang pakiramdam na tila nagsara na ang lahat sa kaniya, kaya nais niyang tulungan ang nag-akusa sa kaniya noon na may anak sila.

MAKI-BALITA: Ex-jowa umano ni Coco Martin, may mensahe sa aktor