Nagbigay ng reaksiyon si Kapamilya host Bianca Gonzalez sa hula ng netizens sa mga bagong housemate ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Matatandaang kamakailan ay ipinasilip na kung sino-sino ang Kapamilya at Kapuso housemates na makakapasok sa Bahay ni Kuya.
MAKI-BALITA: Kapamilya at Kapuso Housemates sa Bahay ni Kuya, bahagyang ipinasilip
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, Marso 4, sinabi ni Bianca na marami raw netizens ang nakatama ng hula.
“Ang masasabi ko na lang, nabasa ko ang hula ng mga netizens online. Parehong Kapuso at Kapamilya. Madaming tama. In fairness, madaming tamang hula. Pero may mga mali din,” saad ni Bianca.
Dagdag pa niya, “Basta kung pumunta kayo ng online, in fairness maraming tama.”
May mga sumubok pang humula mula sa mga studio audience sa mga ipinasilip na larawan ng PBB. Dalawa sa kanila ay sina Andrea Torres at Andrea Brillantes.
Pero sabi lang ni Bianca, “Pasabog ‘yon kung kasama sila.”
Sa ngayon, hintay na lang muna dahil magsisimula na rin namang umere ang bagong edisyon ng PBB sa darating na Linggo, Marso 9. Alas-diyes ng gabi.