March 06, 2025

Home BALITA Eleksyon

Anne Curtis, aprub si Bam Aquino bilang senador

Anne Curtis, aprub si Bam Aquino bilang senador
Photo Courtesy: Anne Curtis, Bam Aquino (FB)

Pasado kay “It’s Showtime” host Anne Curtis si senatorial aspirant Bam Aquino bilang senador.

Sa X account ni Anne noong Huwebes, Marso 4, ni-reshare niya ang post ni stand-up comedian Alex Calleja tungkol sa naipasa batas ni Bam na libreng matrikula sa mga state university at kolehiyo.

“Bakit si Senator Bam Aquino? Libreng Tuition!  Daig pa ang ayuda, kinabukasan ng inyong mga anak ang makikinabang!” saad ni Alex.

Dagdag pa niya, “Pakisama po sa listahan niyo. Salamat ”

Eleksyon

Nora Aunor, umatras sa kandidatura sa Kongreso; susuportahan ibang 'party-list'

Saad naman ni Anne, “Yes!!!”

Umani tuloy ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"t's a YES for me"

"Yes na Yes"

"Ms @annecurtissmith paki consider din po si ex COA commisioner @HeidiMendoza45. She is very worthy of our vote."

"Da best..Salamatng marami Sen.Bam naka avail ang anak ko sa batas na naipasa mo"

"We need Bam again in the senate Sana manalo sila ni Sen kiko "

"LOVE YOU, DYOSA! Kaya sa iyo kami eh. Supporting the right people "

"Iba ka talaga mhie, salamat "

"salamat aning @annecurtissmith for using your platform. We love you"

"Kiko-Bam-Heidi plus Luke, Ka Leody, Ballon, Matula plus 5 sa Senado "

Matatandaang sa isang panayam noong Mayo 2024 ay sinabi ni Bam kakandidato siya upang tutukan ang isyu sa presyo ng bilihin at sweldo.

MAKI-BALITA: Bam Aquino, tatakbong senador sa 2025: 'Naghahanda na kami'