Kabilang si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa mga celebrity na dumalo sa birthday party ni “Eat Bulaga” at dati niyang ka-love team Maine Mendoza.
Sa latest Instagram post ni Kapuso comedienne-actress Chichi Rita kamakailan, makikita ang mga serye ng mga larawan na kuha mula sa nasabing party.
"Happy birthday sa ating Maine girl @mainedcm Ang hiling ko para sayo maging mabuti lang ang kalusugan mo at maging happy ka lang sa buhay we love you Meng. " saad ni Chichi.
Dagdag pa niya, “I’m so happy nagkita-kita ang lahat from daddy’s Gurl fam and #Mainegoals fam na miss ko kayong lahat ”
Samantala, tila hindi inasahan ng ilang netizens na mamataan nila si Alden sa birthday party ni Maine. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Tekaaaa grabe ng gugulat ang alden richards naman "
"teka ung aldub heart ko takte"
"My aldub ... Happy that rj and maine are friends"
"OMG.. im happy Alden was invited They’re really good friends."
"RJ AND MENG's friendship is sooo for the books."
"Sana habang buhay ung pag kakaibigan nyo.@aldenrichards02 at @mainedcm "
Matatandaang nabuo ang ‘AlDub’ noong unang makita ni Main—bilang “Yaya Dub”— si Alden sa split-screen sa “Juan for All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga noong 2015.
Simula noon ay unti-unting namayagpag ang tambalan ng dalawa kaya nang hindi magkatuluyan sina Alden at Maine sa totoong buhay ay maraming fans ang naging delulu.
MAKI-BALITA: Alden Richards, nagkagusto kay Maine Mendoza: ‘I did confess’
MAKI-BALITA: 'Delulu?' Arjo ikinasal daw sa clone ni Maine---AlDub fan