March 05, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sexy Babe contestant na nabutata dahil sa Comelec, na-mental block lang!

Sexy Babe contestant na nabutata dahil sa Comelec, na-mental block lang!
Photo courtesy: Screenshot from NewsWatch Plus Philippines (FB)

Iginiit ni Showtime Sexy Babe contestant Heart Aquino na aminadong hindi siya knowledgeable tungkol sa Commission on Elections (Comelec) subalit aware naman daw siya tungkol dito. 

Inunahan lamang daw siya ng kaba at "mental blocked" dahil sa paligsahan.

"Gaya po ng sinabi ko, hindi lang po ako knowledgeable po, pero meron naman po akong kaalaman, na-mental block lang din po ako since first appearance ko sa TV, and medyo nakakakaba po talaga kapag po nasa telebisyon," paliwanag ni Heart, nang kapanayamin siya ng media matapos bumisita sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec), Martes, Marso 4.

Nakiusap siya sa bashers na huwag muna manghusga at intindihin din ang rason niya kung bakit hindi niya nasagot ang tanong sa kaniya sa Q&A portion.

Tsika at Intriga

Pagbabayad ng tax at pagtatanong kung saan napunta ito, obligasyon!—Vice Ganda

Bahagi ng weekly finals na umere noong Biyernes, Pebrero 28, ang "Question and Answer" portion kung saan natanong ang Sexy Babe contestant kung ano ang mensahe niya sa Comelec, lalo' malapit na ang National and Local Elections (NLE).

“Sorry po, hindi po ako masyadong knowledgeable about sa Comelec,” sagot ng contestant.

Nang uriratin naman siya kung ilang taon na ba siya, sinagot ni Heart na siya ay 20-anyos.

Hindi naman napigilan ni Vice Ganda na madismaya sa narinig, kaya napa-"Oh my gosh, that's bothersome" siya.

Sa pagkakataong ito, nauntag siya ng isa pang Showtime host na si Kim Chiu kung nakakaboto na ba siya. Sagot ng contestant, hindi pa raw.

“So paano, wala kang sagot?” hirit pa ni Vice Ganda.

“Ano ba? Hindi po masasagot ito ngayon…” tugon ng contestant.

Natanong naman siya ng hosts kung hindi pa raw niya narinig ang Comelec sa telebisyon, o kaya naman ay sa diyaryo, internet o social media.

“Wala po kaming TV. Hindi po rin masyadong lumilitaw sa Facebook,” pag-amin ng contestant.

“So sinong may kasalanang hindi ka informed?” singit pa ni Vice, na halatang tila dismayado sa kaniyang narinig.

“Ako po,” tila natatawang saad ng contestant.

Ipinaliwanag naman ng isa pang host na si Jhong Hilario na ang Comelec ang nag-aayos patungkol sa eleksyon o pagboto ng mga kumakandidato sa iba't ibang posisyon sa pamahalaan.

“Sila ang may kinalaman sa lahat ng kaganapan tungkol sa eleksyon sa Pilipinas,” sundot pa ni Vice.

Sa pagkakataong ito, sumagot na ang contestant.

“Siguro yung message ko po sa kanila: Let's be fair po dahil po meron tayong mga, kahit barangay lang ‘yan, yung mga bayad. Bayad-bayad ng votes. So let's be fair po siguro, dahil deserve natin yung uupo na talagang merong maibibigay sa atin, na meron talagang–lahat tayo sa community–na mapakikinabangan. At hindi ganern. Yun po, thank you po.”

KAUGNAY NA BALITA: Sexy Babe contestant na 'di alam kung ano ang Comelec, nag-tour sa opisina