Bumisita na ang kontrobersiyal na "Showtime Sexy Babe" contestant na si Heart Aquino sa tanggapan ng Commission o Elections (Comelec), Martes, Marso 4.
Sinamahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia at iba pang opisyal ng komisyon si Heart sa pag-iikot sa loob ng kanilang tanggapan.
Kinapanayam naman ng media si Heart matapos ang pag-tour sa Comelec office upang alamin kung kumusta ang kaniyang ginawa.
"Mas naunawaan ko po 'yong meaning din po talaga ng Comelec at kung ano pa po talaga 'yong ginagawa nila," aniya.
"Ineencourage ko po na mas alamin pa po rin talaga natin 'yong trabaho po ng Comelec," aniya pa.
MAKI-BALITA: 20-anyos na 'It's Showtime Sexy Babe' contestant, ‘di alam ang Comelec; usap-usapan
MAKI-BALITA: Netizens, dismayado rin: Vice Ganda, trending dahil sa contestant na 'di alam Comelec!
MAKI-BALITA: Vice Ganda na-realize, may systemic educational problem sa Pilipinas!