March 05, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Sam Milby, nag-react sa pag-iyak ni Catriona Gray sa concert ni TJ Monterde

Sam Milby, nag-react sa pag-iyak ni Catriona Gray sa concert ni TJ Monterde
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network (YT), @@teamaaguas (TikTok)/Fashion Pulis

Nagbigay ng reaksiyon si “Everything About My Wife” star Sam Milby kaugnay sa video ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa concert ng singer-songwriter na si TJ Monterde.

MAKI-BALITA: Catriona 'naiyak' sa kanta ni TJ; sigaw ng netizens online, 'Shot puno!'

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Marso 3, sinabi ni Sam na mahirap daw para sa kaniyang makita na ang babaeng minamahal niya ay umiiyak noong oras na ‘yon kung saan naroon din siya.

"TJ... first off, I didn't know na gano’n 'yong mga songs niya. It was such a beautiful concert but it was really hard," saad ni Sam.

Relasyon at Hiwalayan

Mommy pa tawag: Kiray inangkin na ng jowa, 'My soon to be wife!'

Dagdag pa niya, "A woman that I still love and care about is—I see a few seats away from me—is crying. I didn't know how to react.”

Matatandaang marami umanong netizen na nagsabing habang si Catriona raw ay umiiyak si Sam naman ay tila kalmado lang at hindi kakakitaan ng anomang emosyon.

Pero ayon kay Sam, “If people thought I was comfortable, I was complete opposite. I was not comfortable during that concert."

Kinumpirma ng aktor noong Pebrero na matagal na raw silang hiwalay ni Catriona.

MAKI-BALITA: Sam Milby, kinumpirmang matagal na silang hiwalay ni Catriona Gray