March 04, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Opportunity din!' Sexy Babe contestant, willing maging ambassador ng Comelec

'Opportunity din!' Sexy Babe contestant, willing maging ambassador ng Comelec
Photo courtesy: Screenshot from Teleradyo Serbisyo (FB)

Natanong ang kontrobersiyal na "Showtime Sexy Babe" contestant na si Heart Aquino na kung sakaling alukin siyang maging ambassador ng Commission on Elections (Comelec), willing ba siyang tanggapin ito?

Bumisita na kasi ang inintrigang contestant sa tanggapan ng Commission o Elections (Comelec), Martes, Marso 4.

Sinamahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia at iba pang opisyal ng komisyon si Heart sa pag-iikot sa loob ng kanilang tanggapan.

MAKI-BALITA: Sexy Babe contestant na 'di alam kung ano ang Comelec, nag-tour sa opisina

Tsika at Intriga

Pagbabayad ng tax at pagtatanong kung saan napunta ito, obligasyon!—Vice Ganda

Kinapanayam naman ng media si Heart matapos ang pag-tour sa Comelec office upang alamin kung kumusta ang kaniyang ginawa.

"Mas naunawaan ko po 'yong meaning din po talaga ng Comelec at kung ano pa po talaga 'yong ginagawa nila," aniya.

"Ineencourage ko po na mas alamin pa po rin talaga natin 'yong trabaho po ng Comelec," aniya pa.

Nang maurirat naman kung willing siyang maging ambassador ng Comelec kung sakaling alukin siya, "Actually po, kung titingnan ko po siya, it's an opportunity din po, so yes po, willing naman po ako, and to inspire sa youth na rin po, " aniya.

Bukod dito, ipinaliwanag din ni Heart ang dahilan kung bakit hindi niya nasagot ang tanong.

"Gaya po ng sinabi ko, hindi lang po ako knowledgeable po, pero meron naman po akong kaalaman, na-mental block lang din po ako since first appearance ko sa TV, and medyo nakakakaba po talaga kapag po nasa telebisyon," paliwanag ni Heart.

Nakiusap siya sa bashers na huwag muna manghusga at intindihin din ang rason niya kung bakit hindi niya nasagot ang tanong sa kaniya sa Q&A portion.

MAKI-BALITA: Sexy Babe contestant na nabutata dahil sa Comelec, na-mental block lang!

Bahagi ng weekly finals na umere noong Biyernes, Pebrero 28, ang "Question and Answer" portion kung saan natanong ang Sexy Babe contestant kung ano ang mensahe niya sa Comelec, lalo' malapit na ang National and Local Elections (NLE).

“Sorry po, hindi po ako masyadong knowledgeable about sa Comelec,” sagot ng contestant.

Nang uriratin naman siya kung ilang taon na ba siya, sinagot ni Heart na siya ay 20-anyos.

Hindi naman napigilan ni Vice Ganda na madismaya sa narinig, kaya napa-"Oh my gosh, that's bothersome" siya.

Sa pagkakataong ito, nauntag siya ng isa pang Showtime host na si Kim Chiu kung nakakaboto na ba siya. Sagot ng contestant, hindi pa raw.

“So paano, wala kang sagot?” hirit pa ni Vice Ganda.

“Ano ba? Hindi po masasagot ito ngayon…” tugon ng contestant.

Natanong naman siya ng hosts kung hindi pa raw niya narinig ang Comelec sa telebisyon, o kaya naman ay sa diyaryo, internet o social media.

“Wala po kaming TV. Hindi po rin masyadong lumilitaw sa Facebook,” pag-amin ng contestant.

“So sinong may kasalanang hindi ka informed?” singit pa ni Vice, na halatang tila dismayado sa kaniyang narinig.

“Ako po,” tila natatawang saad ng contestant.

Ipinaliwanag naman ng isa pang host na si Jhong Hilario na ang Comelec ang nag-aayos patungkol sa eleksyon o pagboto ng mga kumakandidato sa iba't ibang posisyon sa pamahalaan.

“Sila ang may kinalaman sa lahat ng kaganapan tungkol sa eleksyon sa Pilipinas,” sundot pa ni Vice.

Sa pagkakataong ito, sumagot na ang contestant.

“Siguro yung message ko po sa kanila: Let's be fair po dahil po meron tayong mga, kahit barangay lang ‘yan, yung mga bayad. Bayad-bayad ng votes. So let's be fair po siguro, dahil deserve natin yung uupo na talagang merong maibibigay sa atin, na meron talagang–lahat tayo sa community–na mapakikinabangan. At hindi ganern. Yun po, thank you po.”

MAKI-BALITA: 20-anyos na 'It's Showtime Sexy Babe' contestant, ‘di alam ang Comelec; usap-usapan

MAKI-BALITA: Netizens, dismayado rin: Vice Ganda, trending dahil sa contestant na 'di alam Comelec!

MAKI-BALITA: Vice Ganda na-realize, may systemic educational problem sa Pilipinas!