March 05, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe San Jose, may kakilala raw kagaya ng nanay ni Jake Zyrus

Chloe San Jose, may kakilala raw kagaya ng nanay ni Jake Zyrus
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose, Raquel Pempengco (FB)

Hindi nakaligtas sa mga netizen ang komento ni Chloe San Jose sa Facebook post ng online personality na si "Senyora" nang ibahagi nito ang balita patungkol sa umano'y cryptic posts ni Raquel Pempengco, hinggil naman sa pinag-usapang libro ng anak na si Jake Zyrus.

"Kuwento niyo 'yan, malamang masama ako diyan. Pero hindi ko alam ang kuwentong 'yan. Sanay na akong tawaging masama. Kung 'yan ba ikakasaya niyo. Tanggap ko na ang pangalang kong EVIL QUEEN," mababasa sa Facebook post ni Raquel.

Bagama't walang pinangalanan, tila nagpasaring naman daw si Raquel sa kaniyang anak na si Jake, sa kaniyang "PS" o pahabol na mensahe.

"Anjan ka sa kinalalagyan mo dahil sa EVILQUEEN na to. Dahil sa masamang INA na to... kahit ilang libro pa ilabas hinde na maibabalik ang ikaw na mismo ang sumira...Sige pa magalit pa kayo hanggang sa atakihin kau," aniya pa.

Tsika at Intriga

Pagbabayad ng tax at pagtatanong kung saan napunta ito, obligasyon!—Vice Ganda

Komento naman dito ni Senyora, "May ganyan palang nanay."

Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose, Raquel Pempengco (FB)

Sa comment section, mababasa naman ang kuda ni Chloe.

"meron pa akong kakilala, ganyang ganyan din Senyora... ," aniya.

Tugon naman dito ni Senyora, "Chloe yan ka na naman! Kaya gigil sayo mga matatanda e."

Photo courtesy: Senyora (FB)

Hindi naman tinukoy ni Chloe kung sino ang pinasasaringan niya, subalit ang mga netizen, nagbigay ng espekulasyon kung sino ito.

Matatandaang nagdulot ng kontrobersiya ang panalo ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo noong 2024, jowa ni Chloe, matapos mabunyag ang hindi pagkakaunawaan nila ng kaniyang inang si Angelica Yulo.

Bukod sa usaping pera, isa pa raw sa mga dahilan kung bakit hindi maayos ang relasyon ng mag-ina ay dahil daw kay Chloe.

MAKI-BALITA: Kilalanin: Chloe San Jose, ang babaeng tumambling sa puso ni Golden Boy Carlos Yulo

Naungkat pa tuloy ang relasyon ni Chloe sa kaniyang biological mother, subalit sa eksklusibong panayam ng Balita sa abogado ng ina ni Chloe, nilinaw niya ang ilang mga bagay-bagay patungkol sa relasyon ng mag-ina.

MAKI-BALITA: Biological mom ni Chloe San Jose nagsalita na; relasyon sa anak, 'di rin maganda?