Pinasalamatan ni “Parokya Ni Edgar” lead vocalist Chito Miranda ang Panginoon matapos maabswelto ang misis niyang si Neri Miranda sa kaso nitong syndicated estafa.
MAKI-BALITA: Neri Miranda, abswelto na sa kasong syndicated estafa!
Sa latest Instagram post ni Chito nitong Martes, Marso 4, sinabi niyang mabuti na lang alam ni Lord ang buong katotohanan.
“Thank You, Lord.Mabuti nalang talaga na alam ni Lord ang buong katotohanan kaya never Nya pinabayaan si Neri,” saad ni Chito.
Dagdag pa niya, “Sobrang blessed din kami dahil the people who matter knew the truth as well, and did everything they could to help and support her.”
Bukod dito, muling iginiit ni Chito ang pagiging mabait at matulungin ni Neri na minsan daw ay nagiging dahilan para maabuso at mapahamak ang kaniyang asawa.
Aniya, “Pero kahit ganun, sobrang proud ako because Neri would always choose to be kind and fair, no matter how mean and unfair the world is, and kahit ano ang ibato sa kanya ng mundo, her integrity, at ang kanyang mabuting pagkatao, will always be intact.”
Matatandaang nauna na rin niyang sinabi ang tungkol sa katangiang ito ni Neri matapos maiulat ang pagkaaresto nito noong Nobyembre.
MAKI-BALITA: Chito, nagsalita na sa kaso ng kaniyang 'wais na misis': 'Never nanloko si Neri!'