March 04, 2025

Home BALITA National

4 lugar sa PH, makararanas ng 'dangerous' heat index sa Miyerkules – PAGASA

4 lugar sa PH, makararanas ng 'dangerous' heat index sa Miyerkules – PAGASA
Courtesy: Unsplash

Apat na mga lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng “dangerous” heat index bukas ng Miyerkules, Marso 4, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon, posibleng umabot sa “danger level” ang heat index ang mga sumusunod na lugar:

Legazpi City, Albay – 43°C

Virac (Synop), Catanduanes – 43°C

National

Akbayan, nais ideklara ang Marso bilang ‘Bawal Bastos Awareness Month’

CBSUA-Pili, Camarines Sur – 43°C

San Jose, Occidental Mindoro – 42°C

Paliwanag ng ahensya, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.

BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?