Umani ng samu't saring reaksiyon ang pagpapakilala ni "It's Showtime" host Karylle sa kaniyang sarili, sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post noong Sabado, Marso 1.
Lahat ng mga deskripsyon o tawag sa kaniya ng mga netizen ay inisa-isa ni Karylle, lalo na ang "anak ni Zsa Zsa," o si Divine Diva Zsa Zsa Padilla.
"Anak ni Zsa Zsa"
"Asawa ni Sponge Cola"
"Anak ni Dr. Tatlonghari"
"Kapatid ni Zia at Coco"
"Pamangkin ni Tyang Amy at Lorna T"
"Apo ni Thrilla in Manila Carlos Padilla"
"Apo ng taga Santa Rosa na may kalsada sa may arco- Benito Ongkiko Tatlonghari at Thelma Pamatmat Tatlonghari"
"Kaaway ni wala! Hahahaha" aniya.
Sa comment section ay nag-reply naman dito ang admin ng official Facebook page ng "It's Showtime."
"***Binibining Kurba ng Showtime Family," anila.
Humamig naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"at dahil sa isang ngiti nya nabulabog ang mundo"
"Our 1st Beloved tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig!!! Very Sang'gre Alena ang outfit natin today My peg sang'gre"
"The only Filipino Celebrity I follow. Super gorgeous, multi-talented, intelligent and yet so kind, lowkey and humble. And not to mention, very patriotic - mapagmahal sa bansang Pilipinas. Keep shining, K!"
"Nag iisang miss K na walang K-atulad"
"I love this woman! A woman of class, demure and kindness to everyone. Parang di ata ito marunong magalit or magtanim ng galit. Lalong lalo ng di kayang gumanti kahit ginawan na sya ng masama."
"Sang'gre sister ni Iza, Sunshine and Diana"
"Hindi mayabang , very professional Ang dating respitado magsalita ,at higit SA lahat matalino."
"Maganda na mabait pa walang kaaway eh ikaw na po tlga miss K uuupppss dagdagan ko pa pala matalino pa yaaaarrnn "