March 03, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaking nanghingi ng kalabasa, patay sa saksak ng kapitbahay

Lalaking nanghingi ng kalabasa, patay sa saksak ng kapitbahay
Photo courtesy: Contributed photo/Facebook

Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kaniyang kapitbahay sa Barangay Wines, Baguio District, Davao City noong Linggo, Marso 2, 2025. 

Kinilala ang biktima na si alyas “Arnold," 51 taong gulang habang ang suspek naman ay si alyas "Jeson."

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nanghingi lang umano ng kalabasa si Arnold kay Jeson, nang bigla na lang siyang inatake nito at pinagsasaksak sa iba't ibang bahagi ng katawan. 

Sinubukan pa raw respondehan ng Medical Emergency Unit ang biktima, ngunit idineklara na siyang dead on arrival. 

Probinsya

Hindi nabilhan ni boyfie ng milktea? Babae, tumalon sa dagat

Samantala, agad namang nadakip ng pulisya ang suspek matapos ang ikinasa nilang hot pursuit operation. Napag-alaman din umanong may matagal na raw hidwaan ang suspek at ang biktima na posibleng isa sa mga naging motibo sa krimen.

Nasa kustodiya na ng Baguio Police Station ang suspek na posible umanong maharap sa kasong murder.