March 31, 2025

Home SHOWBIZ

Xian Gaza, nadurog sa rebelasyon ni Jake Zyrus

Xian Gaza, nadurog sa rebelasyon ni Jake Zyrus
Photo Courtesy: Xian Gaza (FB)

Tila nadurog ang puso ng social media personality na si Xian Gaza sa isiniwalat ni singer-songwriter Jake Zyrus sa libro nitong “I Am Jake.”

Sa latest Facebook post ni Xian nitong Linggo, Marso 2, ibinahagi niya ang sipi mula sa nasabing libro kung 

saan ikinuwento ni Jake ang pangmomolestiya umano ng tito nito.

Ayon sa kuwento, anim na taong gulang daw si Jake nang una siyang nakaranas ng sekswal na abuso. Naglalaro daw siya noon sa living room habang ang tito naman niya ay gumuguhit. 

Relasyon at Hiwalayan

Paulo kay Kim: 'Have you ever seen me as more than a friend?'

Hanggang sa niyaya raw siya ng tito niya sa kwarto nito. At noon nagsimula ang bangungot sa kaniyang buhay. Hinawakan siya nito at pinahawakan ang ari nito sa kaniya.

Pero ang masaklap—ayon kay Jake—naulit pa raw ito nang naulit sa buong taon na kasama nilang tumitira ang tito niya sa bahay ng kaniyang lola. 

"Ambigat naman sa dibdib ng tsismis na 'to :((" saad ni Xian sa comment section.

Sabi pa niya, “‘Yong mga nangmomolestya ng sarili nilang kapamilya ay may special place sa impyerno mga demonyo kayo.”

Matatandaang unang lumabas ang libro ni Jake noong 2018 sa ilalim ng Anvil Publishing. Isa itong memoir na nagtatampok ng pagpupunyagi ni Jake sa kabila ng mga naranasan niyang sekswal, pisikal, mental, at emosyunal na abuso.