March 04, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Xian Gaza may nakawiwindang na tanong tungkol kina Moira Dela Torre-Sam Milby

Xian Gaza may nakawiwindang na tanong tungkol kina Moira Dela Torre-Sam Milby
Photo courtesy: Sam Milby, Moira Dela Torre (IG)/Christian Albert Gaza (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang pinakawalang Facebook post ng tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Christian Albert "Xian" Gaza, patungkol sa OPM singer na si Moira Dela Torre, at Kapamilya star Sam Milby.

Eskandaloso ang Facebook post ni Xian noong Pebrero 28 patungkol sa dalawa, na idinaan niya sa patanong, meaning nasagap niya lang din ang tsika kaya nagtatanong siya.

Mababasa, "Good morning. Just woke up. How true ang tsismis na pinagkakalat daw ni Moira Dela Torre na ilang beses silang nag-sex ni Sam Milby kaya nilayuan siya ng maraming artista? Is this true stone or fake news? Paki-fuck check naman oh. Salamat."

Photo courtesy: Screenshot from Christian Albert Gaza (FB)

Isang netizen naman ang nangahas na nagtanong sa comment section ng post.

Tsika at Intriga

Tom Rodriguez, 'pinagalitan' sa pasilip sa umano'y mag-ina niya: 'Need pa i-zoom!'

"So si sam milby yung kantang kumpas?" tanong nito.

Tugon naman ni Xian, "At bakit ako ang tinatanong mo? Ano namang pake ko sa mga yan? Hindi maganda yung nakikialam ka sa buhay ng may buhay. Mag-focus ka sa sarili mo hindi yung pinoproblema mo buhay ng ibang tao."

Matatandaang kamakailan lamang ay inamin ni Sam na hindi na sila magkaibigan ni Moira, na hindi na niya idinetalye ang dahilan kung bakit "friendship over" na sila.

KAUGNAY NA BALITA: Pasabog ni Sam tungkol kay Moira: 'We are not friends anymore'

MAKI-BALITA: Sam Milby, kinumpirmang matagal na silang hiwalay ni Catriona Gray

Ngunit bago ang pag-aming hindi na sila magkaibigan ni Moira, napabalita rin ang umano'y pag-unfollow ng iba pang OPM singers na sina Erik Santos, Yeng Constantino, at TJ Monterde sa Instagram account ng una. Kasama rin dito si Sam.

Napaulat naman ng showbiz insider na si Ogie Diaz na inalis naman daw si Moira bilang talent ng Cornerstone Entertainment dahil umano sa "attitude problem."

MAKI-BALITA: Moira Dela Torre, pinakawalan na ng management dahil sa attitude problem?

Sumunod naman, naging usap-usapan naman ang tila hindi raw pagbeso ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kay Moira, nang dumalo sa isang event ng dental clinic na pareho silang brand ambassador.

MAKI-BALITA: Catriona iniisyung inisnab, nilagpasan ng beso si Moira sa isang event

Hanggang ngayon, clueless pa rin ang mga netizen sa kung ano ba talaga ang nangyayari dahil wala pang nagsasalita sa mga sangkot na panig.

Pero marami na ang nag-aabang sa panayam kay Sam sa "Fast Talk with Boy Abunda" na mapapanood sa Lunes, Marso 3, dahil ang sabi sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, napaiyak daw ang aktor nang mauntag ni Boy tungkol sa hiwalayan nila.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, post, o pahayag sina Moira at Sam patungkol sa post na ito ni Xian. Bukas ang Balita sa kanilang panig.