March 03, 2025

Home BALITA Probinsya

'Upos ng sigarilyo at bote ng alak' naging sanhi umano ng saksakan; dalawa patay!

'Upos ng sigarilyo at bote ng alak' naging sanhi umano ng saksakan; dalawa patay!
Photo courtesy: Pexels

Dalawa ang nasawi habang dalawa pa ang naiulat na sugatan matapos umanong mauwi sa saksakan ang inuman sa isang boarding house sa Ilagan, Isabela. 

Ayon sa ulat ng News 5 nitong Linggo, Marso 2, 2025, sinasabing nag-ugat umano ang away sa pagitan ng dalawang suspek at mga biktima dahil sa mga nagkalat daw na upos ng sigarilyo at bote ng alak na dulot na rin ng kalasingan. 

Nagawa pa umanong humingi ng tulong ng mga nasawing biktima sa sumaklolong dalawang lalaki ngunit maging ang mga ito ay inundayan daw ng saksak ng mga suspek at saka nagtatakbo paalis ng crime scene. 

Narekober sa crime scene ang isang itak na hinihinalang ginamit umano sa pananaksak. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa tunay na motibo sa naturang krimen. 

Probinsya

Hindi nabilhan ni boyfie ng milktea? Babae, tumalon sa dagat