March 03, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Regine may makahulugang biro kay Sam sa ASAP: 'Sorry we're not friends anymore!'

Regine may makahulugang biro kay Sam sa ASAP: 'Sorry we're not friends anymore!'
Photo courtesy: Screenshot from Kapamilya Online Live (YT)

Usap-usapan ng mga netizen ang tila may lamang biro ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa Kapamilya actor na si Sam Milby, nang mag-guest ang huli sa live episode ng ASAP nitong Linggo, Marso 2.

Kitang-kita kasi na tila nagchichikahan ang dalawa nang maya-maya, hatakin ng host na si Robi Domingo si Ate Reg papunta kay Ultimate Heartthrob Piolo Pascual na nakatambal na niya noon sa pelikula.

Pagkatapos ay iginiya naman nina Robi at Regine si Sam palapit sa kaniya.

"Sorry kasi we're not friends anymore," maya-maya ay sambit na hirit ni Regine.

Tsika at Intriga

Isyu ng contestant na 'di alam ang Comelec, nagbukas ng kumbersasyon sa educational crisis

Halata naman sa mukha ni Sam ang pagkabigla sa sinabi ni Regine, pero idinaan na lamang ito sa pagngiti at pagtawa.

Maya-maya ay bahagyang niyakap ng Songbird si Sam at nagbitiw na ng spiels.

Ang nabanggit na "we're not friends anymore" ay sinabi ni Sam patungkol sa pagkakaibigan nila ng OPM singer na si Moira Dela Torre, sa panayam sa kaniya ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe.

Hindi naman tinukoy ni Sam ang dahilan ng pagkawasak ng pagkakaibigan nila ni Moira, ngunit ito raw masyadong "sensitive."

MAKI-BALITA: Sam sa 'friendship over' nila ni Moira: 'It's an issue that's really sensitive!'

Sa kaugnay na balita naman, usap-usapan ang Facebook post ng social media personality na si Xian Gaza patungkol kina Sam at Moira.

Mababasa sa post ni Xian, "Good morning. Just woke up. How true ang tsismis na pinagkakalat daw ni Moira Dela Torre na ilang beses silang nag-sex ni Sam Milby kaya nilayuan siya ng maraming artista? Is this true stone or fake news? Paki-fuck check naman oh. Salamat."

Isang netizen naman ang nangahas na nagtanong sa comment section ng post.

"So si sam milby yung kantang kumpas?" tanong nito.

Tugon naman ni Xian, "At bakit ako ang tinatanong mo? Ano namang pake ko sa mga yan? Hindi maganda yung nakikialam ka sa buhay ng may buhay. Mag-focus ka sa sarili mo hindi yung pinoproblema mo buhay ng ibang tao."

MAKI-BALITA: Xian Gaza may nakawiwindang na tanong tungkol kina Moira Dela Torre-Sam Milby

Samantala, sinabi naman ni Moira sa isang dinaluhang gig na hindi raw totoo ang mga kumakalat na fake news laban sa kaniya.

Wala pa siyang tugon, reaksiyon, o pahayag sa mga nasabi patungkol sa pagkakaibigan nila ni Sam, at kung ano ang reaksiyon niya sa umano'y pag-unfollow sa kaniya nina Erik Santos, Yeng Constantino, at TJ Monterde.