March 03, 2025

Home BALITA Metro

Pamilya Robredo, nagluluksa sa pagkamatay ng family dog na si Rocco

Pamilya Robredo, nagluluksa sa pagkamatay ng family dog na si Rocco
Photo courtesy: Leni Gerona Robredo (FB)

Malungkot na ibinalita ng dating vice president at ngayo'y tumatakbong mayor sa Naga City na si Atty/ Leni Robredo ang pagpanaw ng kanilang family dog na si "Rocco."

Mababasa sa kaniyang Facebook post, Linggo, Marso 2, "Our little boy, Rocco, has crossed the rainbow bridge at 3am today . He would have been 9 this April"

Ibinahagi naman ni Atty. Leni ang mga larawan nila ni Rocco noong nabubuhay pa, gayundin ang pagbisita nito sa kaniya habang nasa tanggapan pa siya ng Office of the Vice President (OVP).

May kalakip din itong video kung saan makikitang pine-pet ni Robredo si Rocco habang nakaupo siya sa sofa, na mahihinuhang sa bahay nila.

Metro

Tinatayang 13 pusa, patay sa sunog sa Pandancan, Maynila

Bumaha naman ng pakikiramay sa kaniya at sa kaniyang mga anak dahil sa pagyao ng kanilang pet dog.