Tila hindi pa rin maka-get over ang fans at supporters ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa inilabas na teaser trailer ng nangungunang action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" matapos makita ang kissing scene nila ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca, habang nasa bath tub.
Inilabas na kasi ng Dreamscape Entertainment ang mga bagong yugto sa istorya kung saan isa sa mga bagong cast member si Andrea, na mukhang handa nang tumanggap ng mature roles.
At ang tila "nakauna" nga sa kaniya sa "daring scene" sa telebisyon, ang mahusay na Kapamilya actor na si Jake Cuenca, kung saan hinalikan siya nito habang naliligo sa bath tub.
Si Jake ay masasabing sanay na sa mga ganitong eksena, at nakahalikan na nga rin niya ang aktor na si Sean De Guzman sa kontrobersyal na pelikulang "My Father, Myself" sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ito ang unang beses na makikita si Andrea sa ganitong palaban at daring scene, since nagsimula siya sa ABS-CBN bilang isang child star, hanggang sa naging teen star at binansagan pa ngang "Gen Z Queen," kaya naman talagang nabigla at nanibago ang lahat.
MAKI-BALITA: Si Jake pa nakauna: Palaban era ni Andrea, umani ng reaksiyon
MAKI-BALITA: New at palaban era na! Andrea, 'hinigop' ni Jake
Pero alam mo bang hindi si Jake ang unang kissing scene ni Andrea?
Ang talagang masasabing kissing scene ni Andrea on-screen ay katambal na si Kapamilya actor-singer Kyle Echarri, sa kanilang seryeng "Senior High" noong 2024, habang ang eksena ay nasa isang promenade o ball.
At mukhang isa ito sa mga dapat abangan kay Blythe simula nang kumalas na siya sa Star Magic, at mukhang papunta na nga siya sa pagganap sa mature roles.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Andrea sa mga reaksiyon at komento ng fans sa pinag-usapang eksena sa Batang Quiapo.