March 01, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Tama sila!' Willie Revillame, agree sa mga nagsabing 'wala siyang alam'

'Tama sila!' Willie Revillame, agree sa mga nagsabing 'wala siyang alam'
Photo courtesy: Willie Revillame (FB)

Usap-usapan ang pagpapalit ng profile photo sa Facebook account ni "Wil To Win" host at senatorial aspirant Willie Revillame noong Miyerkules, Pebrero 26, kaugnay sa ambisyon niyang makapuwesto sa Senado.

Mababasa sa profile photo ang campaign tagline niya na "Puso Para sa Bayan."

Sa caption, inamin ni Willie na "wala siyang alam."

"Sabi nga nila wala daw akong alam. Tama sila. Wala akong alam na mang-api ng kapwa. Wala akong alam na mang-isa ng kapwa Pilipino. Wala akong alam na magnakaw. Ang alam ko lang ay makagawa ng kabutihan sa mga nangangailangan nating kababayan,” aniya, na nauna na niyang sinabi sa isang press conference noong Biyernes Pebrero 21.

Eleksyon

Sen. Bato sa mga botante: ‘Gusto n’yo bang walang manalong Bisaya?’

Mababasa pa, "Mahigit DALAWANG DEKADA nang TUMUTULONG NOON at TULOY PA RIN ang PAGTULONG NGAYON!

PUSO para sa BAYAN at GALING sa PUSO."

Tumatakbo si Revillame na senador sa 2025 midterm elections bilang isang independent candidate.

MAKI-BALITA: Willie Revillame sa mga nagsasabing wala siyang alam: ‘Wala akong alam na magnakaw!’