March 04, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Si Jake pa nakauna: Palaban era ni Andrea, umani ng reaksiyon

Si Jake pa nakauna: Palaban era ni Andrea, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Screenshots from Dreamscape Entertainment (FB)

Tila hindi pa rin maka-get over ang fans at supporters ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa inilabas na teaser trailer ng nangungunang action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" matapos makita ang kissing scene nila ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca, habang nasa bath tub.

Inilabas na kasi ng Dreamscape Entertainment ang mga bagong yugto sa istorya kung saan isa sa mga bagong cast member si Andrea, na mukhang handa nang tumanggap ng mature roles.

At ang tila "nakauna" nga sa kaniya sa "mukbangan scene" sa telebisyon, ang mahusay na Kapamilya actor na si Jake Cuenca, kung saan hinalikan siya nito habang naliligo sa bath tub.

Though, hindi ito ang unang beses na nagkaroon siya ng kissing scene, dahil ang una ay kay Kyle Echarri sa "Senior High" noong 2024. 

Teleserye

Bago pa si Jake: Kyle, unang 'nakatukaan' ni Andrea sa TV

Pero ito ang unang beses na tila nagpaka-daring na talaga sa mga eksena si Blythe. 

Si Jake ay masasabing sanay na sa mga ganitong eksena, at nakahalikan na nga rin niya ang aktor na si Sean De Guzman sa kontrobersyal na pelikulang "My Father, Myself" sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito ang unang beses na makikita si Andrea sa ganitong palaban at daring scene, since nagsimula siya sa ABS-CBN bilang isang child star, hanggang sa naging teen star at binansagan pa ngang "Gen Z Queen."

Kahit nga sa mga naging katambal niya gaya nina Seth Fedelin, Kyle Echarri, o kahit si Juan Karlos o JK Labajo, walang ganitong kaalab na eksena ha!

At mukhang isa ito sa mga dapat abangan kay Blythe simula nang kumalas na siya sa Star Magic, at mukhang papunta na nga siya sa pagganap sa mature roles.

MAKI-BALITA: New at palaban era na! Andrea, 'hinigop' ni Jake

Kaya naman, humamig ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, na mababasa sa comment section ng teaser trailer.

"Na mukbang agad si andrea kakasalang lang"

"Bagay Kay Andre mature role Niya she's on fire "

"Dami na bash kay andrea mag 22 years old siya ano gusto niyo maging mahinhin siya dyan? Yun ba gusto niyo? noong nga kila kristine hermosa at claunding barreto mga 16 years old grabe humalik pero nimor pa nun. Pero ngayon nasa edad na siya bawal pa rin siya mag daring ano gusto niyo nene pa rin siya hahaha"

"woaah ibang atake this time si blythe grabe in her mature era role. love this. akala q darna ang peg ung maskara kc. grabe nkaka excite lalo batang quiapo. iba ka tlga Direk Coco. npkahusay mo. kudos"

"grabe yung brilyantes madudurog talaga si lolong neto"

"Kaya siguro umalis sya sa star magic kasi di sya papayagan Ng ganyang role kasi ihimplo sya Ng kabataan na ok image nya "

" nice next level role ni Andrea Brillantes dina pa cute role I think it's about time to have next level role dina sya teens so evolving na role nya"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Andrea at Jake tungkol dito.