April 02, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sa mga walang tagadilig, makinig! Sey ni Kaladkaren, 'Keep watering yourself!'

Sa mga walang tagadilig, makinig! Sey ni Kaladkaren, 'Keep watering yourself!'
Photo courtesy: KaladKaren (FB)

Nagpa-wow sa mga netizen ang mga larawan ni Jervi Li-Wrightson o "KaladKaren" matapos niyang i-flex ang kaniyang sexy photos sa social media noong Huwebes, Pebrero 27.

Ibinida ni Jervi ang kaniyang "babaihan" look na talaga namang "sobrang Latina" sa ganda at alindog dahil sa kaniyang pa-bikini outfit.

Caption ni KaladKaren sa kaniyang Facebook post, "Keep watering yourself. You’re growing. "

Dahil dito, napaisip tuloy ang mga netizen kung wala na ba siyang tagadilig matapos intrigahin ng mga netizen ang estado ng pagsasama nila ng British husband na si Luke Wrightson.

Tsika at Intriga

Bagong PBB celeb housemate, inakusahang 'walang ambag sa groupworks noong college'

Matatandaang sa isang vlog ni ABS-CBN news anchor Karen Davila, pabirong sinabi ni KaladKaren, tuwing gabi raw ay nagiging hardin ang kanilang kama sa kuwarto dahil doon daw siya "dinidiligan" ni Luke.

Anyway, noong Biyernes ng Pebrero 28 ay binasag na ni KaladKaren ang kaniyang katahimikan tungkol sa inisyung hiwalay na sila ng mister.

"Ako pa rin po si Mrs. Jervi Wrightson," anang KaladKaren, ilang minuto bago magtapos ang news program ng TV5 na "Frontline Pilipinas."

"Lilinawin ko lang po yung issue tungkol sa amin ni Luke. You know, our marriage is not perfect. Katulad ng ibang couples, siyempre may misunderstandings, mayroong challenges. And hindi rin po nakakatulong na minsan hindi kami magkasama because Luke is working abroad."

"But for 13 years, sinubok na po kami ng panahon at araw-araw pinipili po naming mahalin ang isa't isa. So, kami pa rin po. We're still together. Wala po kaming problema ni Luke. Masaya po kaming mag-asawa," giit pa niya.

"Katunayan nga, umuwi siya ng Pilipinas, kakarating lang kaninang tanghali."

MAKI-BALITA: KaladKaren, nagsalita na sa estado ng relasyon nila ng afam na hubby!

Ipinaliwanag din ni KaladKaren kung tungkol saan ang TikTok video niya, sa saliw ng kanta ni Ariana Grande.

"Yung Tiniktok po ko na song ni Ariana Grande na 'We Can't Be Friends,' feel ko lang siya i-TikTok noong araw na yon," aniya.

Pagdating naman sa pang-iintriga sa umano'y deleted wedding photo nila sa Instagram, "Yung picture ko naman sa Instagram, inaayos po kasi ng management yung feed ko for work. So, nagtanggal sila ng ibang pictures pero ibabalik din nila 'yon."

"Pati nga ako nagulat din ako na, 'Bakit wala yung ibang pictures ko?'"

Pinag-ingat din ni KaladKaren ang publiko sa pagkalat ng fake news.

"Napagtagpi-tagpi lang ng netizens yung kuwento. Mayroon pang gumagawa ng fake news, fake videos. Ini-slice yung dati kong vlogs tapos inilalagay na umiiyak ako doon sa issue."

Sa pagtatapos, nagbigay rin siya ng "moral of the story" tungkol sa nangyari.

"I think the moral of the story, we have to be responsible with the content that we receive and consume," ani Kaladkaren.

"Yung mga napapanood natin online, mag-ingat po tayo sa fake news and let's mind our own business."

MAKI-BALITA: KaladKaren, nagsalita na sa estado ng relasyon nila ng afam na hubby!

Hindi raw sana magsasalita si KaladKaren patungkol dito, dahil wala naman daw talaga silang problema ni Luke, subalit lumalaki na kasi ang intriga kaya kailangan na itong i-address.