March 01, 2025

Home BALITA Probinsya

Quezon Provincial Tourism Office, kumambyo sa abiso tungkol sa diving activities

Quezon Provincial Tourism Office, kumambyo sa abiso tungkol sa diving activities
Photo Courtesy: Provincial Government of Quezon, Tourism Quezon Province (FB)

Binawi ng Quezon Provincial Tourism Office ang nauna nilang abiso tungkol sa pagsasagawa ng diving activities sa nasabing lalawigan.

Matatandaang sa una nilang anunsiyo ay ipinarating nila sa publiko—lalo na sa mga nagmamay-ari ng resort sa Quezon—na ipagbawal muna ang diving activities dahil umano sa lagay ng karagatan at ilang kumpirmadong ulat ng “shark attack.”

MAKI-BALITA: Diving activities sa probinsya ng Quezon, pansamantala munang ipagbabawal

Ngunit sa latest Facebook post ng tanggapan nito ring Sabado, Marso 1, sinabi nilang mag-ingat na lang daw sa pagsasagawa ng diving activities lalo na kung masama ang panahon.

Probinsya

Lalaking natalo ng <b>₱13k sa sugal, natakot mapagalitan ng tatay; nagpanggap na naholdap!</b>

“Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat sa pagsasagawa ng diving activity lalo na kung masama ang panahon,” saad nila.

Dagdag pa ng tourism office, “Ang mga nasabing sulat mula sa Philippine Coast Guard ay pinahatid sa aming tanggapan upang paalalahanan ang lahat sa mga bagay na nabanggit.”