March 04, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

New at palaban era na! Andrea, 'hinigop' ni Jake

New at palaban era na! Andrea, 'hinigop' ni Jake
Photo courtesy: Screenshots from Dreamscape Entertainment (FB)

Grabehan na talaga ang "new era" ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes dahil pasabog ang role at mga ganap niya sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Inilabas na kasi ng Dreamscape Entertainment ang mga bagong yugto sa istorya kung saan isa sa mga bagong cast member si Andrea, na mukhang handa nang tumanggap ng mature roles.

At ang tila "nakauna" nga sa kaniya sa daring scene sa telebisyon, ang mahusay na Kapamilya actor na si Jake Cuenca, kung saan "minukbang" siya nito habang naliligo sa bath tub.

Hindi ito ang unang beses na nagkaroon siya ng kissing scene, dahil ang una ay kay Kyle Echarri sa "Senior High" noong 2024. 

Teleserye

Bago pa si Jake: Kyle, unang 'nakatukaan' ni Andrea sa TV

Tiyak na panalo na naman sa ratings ang show kapag nagsimula nang lumabas ang mga bagong karakter, lalo na ang karakter ni Blythe!

Hot topic na nga ito sa X!

"Grabe ung Andrea at Jake Cuenca scene. The fact na kasabayan ni Jake si Zanjoe Marudo, na tatay nya sa Annaliza."

"Grabe yung si Jake yung nakauna kay Andrea sa kissing scene hahaha."

"Ganang role ang bagay kay Andrea. Hinahanda na siguro sya ng ABS bilang NEXT SEXY STAR pantapat sa mga dahuchinang boldstar ng VIVAMAX. Hahahahahahahahahahahaha."

"bagay naman sa kaniya hahahaha"

"Nakakaloka si Blythe and the bath tub scene hahaha."

Kamakailan lamang ay napabalita ang pag-alis sa Star Magic ni Andrea, at mukhang isa ito sa mga bagong movement sa kaniyang showbiz career.