June 06, 2026

Home BALITA National

Rep. Perci Cendaña, binira pagprotekta ng Senado kay Sen. Bato!

Rep. Perci Cendaña, binira pagprotekta ng Senado kay Sen. Bato!
Photo courtesy: Perci Cendaña (FB), Imee Marcos (FB)

Mariing bumuwelta si Akbayan Partylist Rep. Percival “Perci” Cendaña sa liderato ng Senado matapos umano nilang tulungang hindi maaresto si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon sa inilabas na pahayag ni Cendaña sa kaniyang Facebook page nitong Huwebes, Mayo 14, 2026, mariin niyang sinabing ang liderato na raw ng Senado mismo ang sumisira sa sarili nilang institusyon.

Diin niya, ginamit daw kasi ng mga bumubuo ng liderato ng Senado ang kanilang kapulungan para harangin ang mga awtoridad na tumutugis kay Dela Rosa.

“Ang Senado mismo ang sumisira sa kanilang institusyon. Imbes na isuko nila nang mapayapa ang isang taong may Warrant of Arrest, ginamit nila ang Senado to evade law enforcement. Trabaho ng Senado na gumawa ng batas, hindi ang labagin ito,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Perci Cendaña (FB)

National

Sen. Win kay Sen Loren: 'We respect her opinion, pero matibay rin opinyon ng IBP!'

Ani Cendaña, anong klase raw ng liderato ng Senado ang hindi tutulong na maaresto ang isang tinutugis ng batas dahil sa crimes against humanity at international fugitive na si Dela Rosa.

“Anong klaseng Senate leadership ang unang agenda ay tulungang hindi maaresto ang isang WANTED for crimes against humanity? Ang isang international fugitive?” aniya.

Dagdag pa niya, “The senate leadership should explain themselves before the widows and orphans of extrajudicial killings. They owe the Filipino people more than livestreams and excuses.” 

Pagpapatuloy ni Cendaña, wala raw hustisya sa bansang Pilipinas kaya raw mas dapat na mahuli ng International Criminal Court (ICC) si Dela Rosa. 

“This is exactly why Bato should be tried in the ICC. Walang hustisya sa bansang ito para sa mga biktima ng Tokhang,” saad niya. 

Pahabol pa ng mambabatas, dapat daw na magpaliwanag ang liderato ng Senado sa mga naiwan at naulilang pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings sa panahon ng war on drugs.

“The Senate leadership should explain themselves before the widows and orphans of extrajudicial killings. They owe the Filipino people more than livestreams and excuses,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘We are allegedly under attack! SP Cayetano, nanindigang ‘di iiwan si Sen. Bato