Tila nalalapit na talagang ipakilala kung sino-sino ang mga Kapamilya at Kapuso Housemates na makakapasok sa Bahay ni Kuya.
Sa Facebook post ng GMA Network nitong Sabado, Marso 1, ipinasilip nila ang serye ng mga larawan na kung saan ang tanging tampok pa lang ay ang facial parts ng mga future housemates.
“Isa na namang PASABOG mula kay Kuya! May pasilip na sa mga Kapuso at Kapamilya Celebrity Housemates na papasok sa Bahay ni Kuya!” saad ng GMA Network sa caption.
Dagdag pa nila, “Sino-sino kaya sila? Maki-hula na! ”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"SANA NAG TOOTHBRUSH MUNA YUNG ISA"
"Dapat hindi mga baguhan, mas maganda yung mga adult na at matagal na sa pag aartista, umay pag bago, parang d naman celebrity hihi"
"Kahit ako siguro Dina ako papasok sa Bahay ni kua, kung kumikita Naman na,
Uo sisikat ka NGA Jan, Kasi makikilala ka, pero Ang ending Nyan sangkatutak Na basher Ang mag down sayo "
"Iba parin yong pbb dati ngayon puro magaganda at gwapo lang kinukuha nila ."
"I think d mga sikat Ang papasok Jan. Mahal talent fee nila. Mga bagong Mukha. Para makilala sila at Sumikat."
"Sana hindi mga artista lalaruin lang nila ang Pbb for sure kc nga alam n nila ang pasikot sikot na character maging mabait man o masama..artista nga diba "
"May isa yellow ngipin"
"Brent manalo & dustin yu "
Matatandaang kamakailan lang ay inanunsiyong ngayong buwan ng Marso magsisimula ang makasaysayang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ng GMA Network at ABS-CBN.