Finally ay nagsalita na si "Frontline Pilipinas" showbiz news presenter Jervi Li-Wrightson o mas kilala bilang "KaladKaren," patungkol sa inintrigang estado ng relasyon nila ng British husband na si Luke Wrightson.
Matatandaang kamakailan lamang ay na-curious ang mga netizen sa pinakawalang TikTok video ng dating impersonator ni ABS-CBN at TV Patrol news anchor Karen Davila, na tila nagpapahiwatig daw ng pinagdaraanan niya sa relasyon nila ng asawang British national na si Luke Wrightson.
Sa TikTok video ni Jervi noong Pebrero 18, makikitang sa saliw ng tono ng "We Can't Be Friends" ni Ariana Grande ay tila nag-eemote si Jervi sa kaniyang pinagdaraanan.
Nakakaintriga pa ang mga text caption dito na mula pa rin sa lyrics ng kanta.
"I saw it coming I still cried, I thought when you left you'd leave my mind. No I don't wanna hate you but you chose your pride, when I need a hug you held the knife, but I still wish we had more time, must be crazy right," mababasa rito.
May simpleng caption pa ito na "Hay."
Dahil dito, nag-alala tuloy ang mga netizen na baka may pinagdaraanan na raw sina Jervi at Luke, lalo't kakakasal lamang nila noong 2024.
May mga nagsasabi pang wala na raw sa Instagram account ni Jervi ang wedding photo nila ni Luke.
MAKI-BALITA: KaladKaren at afam na hubby, on the rocks nga ba relasyon?
Dahil dito, noong Huwebes, Pebrero 27 ay diretsahan na siyang inusisa ng Frontline Pilipinas news presenter na si Julius Babao tungkol sa mga kumakalat na tsika.
Mapapanood na habang nakaere ay biglang inusisa ni Julius si KaladKaren kung gaano raw ba katotoong hiwalay na ito sa asawang afam.
Pero sa halip na sumagot, natawa na lang si KaladKaren at nagtakip ng mukha. Binalingan na lang tuloy ni Julius ang isa pa nilang kasamahang news presenter na si Denise Tan.
“Denise, baka gusto mong mag-comment do'n,” sabi ni Julius.
Sagot naman ni Denise, "Hintayin na lang natin pag-ano, ready na siyang sumagot."
Dahil dito ay nabatikos pa tuloy si Julius matapos na sabihang "insensitive" daw, subalit may mga nagsabi namang baka alam ni KaladKaren na tatanungin siya ni Julius tungkol dito.
MAKI-BALITA: Julius Babao, binatikos nang tanungin live si KaladKaren kung totoong hiwalay na sa asawa
Pero nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 28, bago lumipat ang araw sa Marso ay binasag na nga ni KaladKaren ang kaniyang katahimikan, sa pagtatapos ng kaniyang news program.
Ayon kay KaladKaren, hindi pa sila hiwalay ni Luke, bagama't inamin niyang kagaya sa ibang couple, hindi rin daw perpekto ang kanilang relasyon.
Isa raw sa mga problema sa kanilang relasyon, na hindi raw nakakatulong sa kanila, ay ang proximity o agwat ng kanilang lokasyon since bongga nga ang career ngayon ni Jervi sa Pilipinas, at ang asawa naman ay nasa London.
"Ako pa rin po si Mrs. Jervi Wrightson," anang Kaladkaren.
"Lilinawin ko lang po yung issue tungkol sa amin ni Luke. You know, our marriage is not perfect. Katulad ng ibang couples, siyempre may misunderstandings, mayroong challenges. And hindi rin po nakakatulong na minsan hindi kami magkasama because Luke is working abroad."
"But for 13 years, sinubok na po kami ng panahon at araw-araw pinipili po naming mahalin ang isa't isa. So, kami pa rin po. We're still together. Wala po kaming problema ni Luke. Masaya po kaming mag-asawa," giit pa niya.
"Katunayan nga, umuwi siya ng Pilipinas, kakarating lang kaninang tanghali."
Ipinaliwanag din ni KaladKaren kung tungkol saan ang TikTok video niya, sa saliw ng kanta ni Ariana Grande.
"Yung Tiniktok po ko na song ni Ariana Grande na 'We Can't Be Friends,' feel ko lang siya i-TikTok noong araw na yon," aniya.
Pagdating naman sa pang-iintriga sa umano'y deleted wedding photo nila sa Instagram, "Yung picture ko naman sa Instagram, inaayos po kasi ng management yung feed ko for work. So, nagtanggal sila ng ibang pictures pero ibabalik din nila 'yon."
"Pati nga ako nagulat din ako na, 'Bakit wala yung ibang pictures ko?'"
Pinag-ingat din ni KaladKaren ang publiko sa pagkalat ng fake news.
"Napagtagpi-tagpi lang ng netizens yung kuwento. Mayroon pang gumagawa ng fake news, fake videos. Ini-slice yung dati kong vlogs tapos inilalagay na umiiyak ako doon sa issue."
"I think the moral of the story, we have to be responsible with the content that we receive and consume," ani Kaladkaren.
"Yung mga napapanood natin online, mag-ingat po tayo sa fake news and let's mind our own business."
Hindi raw sana magsasalita si KaladKaren patungkol dito, dahil wala naman daw talaga silang problema ni Luke, subalit lumalaki na kasi ang intriga kaya kailangan na itong i-address