April 02, 2025

Home BALITA National

VP Sara, ‘di nagpapaapekto sa impeachment; patuloy raw ‘pananalig sa katotohanan’

VP Sara, ‘di nagpapaapekto sa impeachment; patuloy raw ‘pananalig sa katotohanan’
VP Sara Duterte (Photo courtesy: ABS-CBN News/YouTube screengrab)

Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi niya hinahayaang maapektuhan ang kaniyang sarili ng kinahaharap na impeachment complaint, dahil ang mahalaga raw para sa kaniya ay ang “pananalig sa katotohanan.”

Sa isang panayam sa Cebu nitong Huwebes, Pebrero 27, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Duterte na importante para sa kaniya ang paniniwala sa kaniyang sarili at katotohanan sa kabila ng mga isyu at mga alegasyong ibinabato sa kaniya.

“Ang importante talaga niyan, ang paniniwala mo sa iyong sarili, ang pananalig mo sa katotohanan, at ang iyong pananalig at paghugot ng lakas sa mga tao,” ani Duterte.

Matatandaang simula noong Disyembre 2024 ay apat na impeachment complaints ang inihain laban kay Duterte, kung saan kasama sa mga ground na binanggit ang “culpable violation of the Constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, and other high crimes.”

National

Mga solon, senador supalpal kay Rodriguez: 'Di malayong mabankarote mga Pilipino!'

Noon lamang namang Pebrero 5, 2025 nang i-impeach ng House of Representatives ang bise presidente matapos lumagda sa ikaapat na reklamo ang 215 mga kongresista.

Kaugnay nito, naglabas naman ng proposed calendar si Senate President Chiz Escudero hinggil sa impeachment trial ng Senado kay Duterte.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Proposed calendar ni SP Chiz hinggil sa impeachment trial ni VP Sara