February 28, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Julius Babao, binatikos nang tanungin live si KaladKaren kung totoong hiwalay na sa asawa

Julius Babao, binatikos nang tanungin live si KaladKaren kung totoong hiwalay na sa asawa
Photo Courtesy: Screenshots from News5 (FB)

Tila hindi nagustuhan ng ilang netizens ang ginawa ni Julius Babao sa kapuwa niya "Frontline Pilipinas" news presenter na si KaladKaren Davila o "Jervi Li-Wrightson.”

Sa isang video clip ng News5 noong Huwebes, Pebrero 28, mapapanood na habang nakaere ay biglang inusisa ni Julius si KaladKaren kung gaano raw ba katotoong hiwalay na ito sa asawang afam.

Pero sa halip na sumagot, natawa na lang si KaladKaren at nagtakip ng mukha. Binalingan na lang tuloy ni Julius ang isa pa nilang kasamahang news presenter na si Denise Tan.

“Denise, baka gusto mong mag-comment do'n,” sabi ni Julius.

Tsika at Intriga

Jellie Aw matapos pananapak ni Jam Ignacio: 'Buo na ulit yung nabasag!'

Sagot naman ni Denise, "Hintayin na lang natin pag-ano, ready na siyang sumagot."

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video clip. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Tama yung sinasabing 'co-workers are not your friends' and 'you don’t go to work to make friends'"

"It’s very unprofessional and tackless Julius"

"3 words. Unprofessional. Insensitive. Tactless."

"News5 you even posted this? Someone is having hard and difficult time, yet you did not make any actions to correct nor properly address the behavior of your anchor who asked inappropriate and unethical question on national television. Jervi is obviously uncomfortable with the question."

"Ingat ka dyan Julius.....baka isang araw eh kayo na din eh hiwalay na!!!! Bwahahaha lakas maka asar, needs mo talagang sa live TV pa i exposed isang host?????"

"So insensitive Mr. Babao"

"Di nya kayang itago may something nga halata sa mata ni Kaladkaren"

"I find it unpro. Sa live tv talaga inambush interview? "

Matatandaang nagsimula ang intrigang “on the rocks” ang relasyon ni KaladKaren sa mister niya nang ibahagi niya ang isang makahulugang TikTok video.

MAKI-BALITA: KaladKaren at afam na hubby, on the rocks nga ba relasyon?