Nagbigay ng paglilinaw ang aktres na si Heaven Peralejo tungkol sa mga nakarelasyon niyang sina Kiko Estrada at Jimuel Pacquiao.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Pebrero 27, pinabulaanan ni Heaven ang mga lumulutang na tsikang hindi umano siya okay sa pamilya ni Jimuel.
“No, no beef at all. [...] Sobrang okay namin. Okay po kami until the end,” saad ni Heaven.
Samantala, miscommunication naman daw ang dahilan kung bakit naakusahan siyang third party sa break up ng noo’y magkarelasyong Kiko Estrada at Devon Seron.
Ayon kay Heaven, “Miscommunication, but he [Kiko] cleared it out with Tito Ogie [Diaz] naman. He did, na parang 'It's so far, malayo 'yong timeline.'”
“But then, naunahan na, e. Naunahan na ng tsismis during that time. So, kahit ano'ng sabihin mo sometimes wala na rin talaga,” dugtong pa niya.
Matatandaang Agosto 2021 nang kumpirmahin nina Heaven at Kiko ang relasyon nilang dalawa na kalaunan ay nauwi rin naman sa hiwalayan.
MAKI-BALITA: Heaven Peralejo at Kiko Estrada, kumpirmadong mag-jowa na matapos ang pagde-deny
MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa isyung 'hiwalayan' nina Heaven at Kiko: "Feeling ko wala na sila"